Nagpatupad kahapon ng big-time rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang Pilipinas Shell at Petron.

Epektibo dakong 12:01 ng madaling araw kahapon nang nagtapyas ang Solane ng P6.72 sa kada kilo, katumbas ng P73.92 na bawas sa bawat 11-kilo na tangke ng LPG.

Sa parehong oras, nagbaba naman ng P7 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas o P77 na kaltas sa regular na tangke ng cooking gas.

Bukod sa presyo ng LPG, kinaltasan din ng Petron ng P3.91 ang Xtend Auto-LPG nito.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Inaasahan ang pagsunod ng ibang kumpanya sa ipinatupad na price rollback sa LPG kahit wala pang inilabas na abiso ang mga ito.

Ang bagong bawas-presyo sa cooking gas ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado.