Ipinagdiriwang ang Halloween ngayong Oktubre 31. Hitik sa tradisyon at pamahiin, halaw ito mula sa All Hallows’ Eve, ang bisperas ng Western feast ng All Hallows’ Day (All Saints’ Day) sa Nobyembre 1 at All Souls’ Day sa Nobyembre 2. Nagsisimula ang Halloween sa Hallowtide triduum o tatlong araw ng pagpaparangal sa mga santo at pananalangin para sa mga mahal na yumao. Pinaniniwalaan itong nagsimula sa sinaunang Celtic festival ng Samhain, nang gumawa sila ng bonfire at nagsuot ng mga costume upang itaboy ang mga multo at masasamang espiritu.

Sa Pilipinas, ipinagdiriwang ang Halloween na may mga party, pagkain, trick-or-treat. Nagdi-display sa mga hotel, mall, at restaurant ng mga dekorasyong may temang pang-horror, may mga patimpalak para sa mga bata sa pinakamahusay at pinaka-nakakatakot na mga costume, at may mga give-away na cadies, toys, mgs sombrero at maskara. May mga bonfire din, mga pagbisita sa “haunted house” at pagsisindi ng jack-o-lanterns. Nagbabahay-bahay ang mga batang naka-costume at maskara sa kanilang trick-or-treat, humihingi ng mga kendi, prutas, at mga laruan. Ang lokal na bersiyon ng trick-or-treat ay ang pangangaluluwa sa mga lalawigan kung saan nagbabahay-bahay ang mga adult – kung minsan mga bata – at umaawit kapalit ng pera o pagkain.

Pagkatapos ng Halloween, karamihan sa mga residente ng Metro Manila ay nagtutungo sa kani-kanilang probinsiya para sa Undas. Ito ang panahon upang magsama-sama ang mga pamilya at magbigay-pugay sa kanilang yumaong mga mahal sa buhay. Dahil halos magkatulad ang Halloween at Undas, itinuturing ito ng mga Pilipino na iisang selebrasyon.

Popular sa maraming bansa, ang Halloween ay ang pangalawang pinakatanyag na holiday (kasunod ng Pasko) sa Amerika. Taun-taon, ang mga costume ay kaugnay ng current events at pop culture icons. May mga costume party sa mga college campus. Sa Japan, katulad ng pop culture ng Amerika ang kanilang Halloween, at makikita ang Western-style Halloween décor tulad ng jack-o-lanterns sa maraming lugar. Sa Austria, Britain, at Ireland, nagdiriwang ang mga pamilya gamit ang mga kandila, tinatawag na “soul lights,” sinisindihan sa bawat silid. Ang mga costume ay hango sa mga supernatural character tulad ng mga halimaw, multo, kalansay, fairy, bruha, at iba pang tanyag na karacter mula sa mga istorya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente