Malaki ang posibilidad na masuspinde si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado kaugnay ng kinasasangkutang sex video scandal kasama ang kalaguyo nito.
Ayon kay Civil Service Commission (CSC) chairman Francisco Duque III na hindi magandang halimbawa ang ginawa ni Tallado na bilang isang public official ay nagdulot ng kahihiyan hindi lamang sa kanyang opisina kundi sa buong probinsya ng Camarines Norte ang ginawa ng gobernador.
Batay sa Administrative Code of 1987, maaari aniyang masuspinde ng anim na buwan hanggang isang taon si Tallado dahil sa disgraceful at immoral conduct.
Ayon kay Duque, kapag hindi magsasampa ng anumang reklamo ang misis ng gobernador na si Josefina Tallado ay maaaring maghain ang sinumang taxpayer ng administrative complaint sa Ombudsman o sa Office of the President laban kay Tallado.
Maaari ring gamitin laban sa gobernador ang pahayag sa media ni Gng. Tallado kasama na ang kumakalat na sex photo at video.
Inaalam pa rin ng Department of Interior and Local Government ang pananagutan ng gobernador sa ilalim ng Republic Act 6713 o Ethics and Accountability of Public Officials.