Ipinasisiyasat ng dalawang mambabatas ang ulat na posibleng ang suplay ng bigas ng Pilipinas ay nagtataglay ng arsenic, isang nakalalasong kemikal.

Sinabi nina Rep. Rufus B. Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City) at Maximo Rodriguez na ang arsenic ay maaaring masipsip ng lahat ng halaman, subalit higit na matatagpuan sa madahong gulay, bigas, mansanas, ubas, grape juice, at seafood.

Anila, maaaring malagay sa panganib ang mga tao dahil sa arsenic sa pamamagitan ng pagkain at tubig, laluna sa mga lugar na ang groundwater ay may kontak sa arsenic-containing minerals.

Nais ng dalawang Rodriguez na ipatawag ng Kamara ang mga ahensiya na may kinalaman dito, gaya ng Department of Agriculture (DA), Office of the Presidential Adviser on Food Security, Codex Alimentarius Commission, Food and Agriculture Organization, World health Organization, EcoWaste Coalition Project Protect at iba pa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists