Tatalakayin sa Nobyembre 17 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon para muling ibaba sa P8 ang minimum na pasahe sa jeep.

Bunsod na rin ito ng sunud-sunod na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, partikular sa diesel at gasolina.

Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na pinadalhan na nila ng notice of hearing si Negros Occidental Rep. Manuel Iway na nagpetisyon para ibaba ang pasahe sa Metro Manila at sa Regions 3 at 4.

Hiniling din ni Iway na ibaba sa P1.40 ang kasalukuyang P1.50 dagdag-pasahe sa bawat susunod na kilometro.
Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon