Ibinunyag ng isang human rights watchdog na maraming babae mula sa Asia at Africa na nagtatrabahong domestic worker sa United Arab Emirates ang sinasamantala at inaabuso na parang mga alipin.

Laganap ang mga reklamo ng pangaabuso sa mayamang Persian Gulf region na umaasa sa mga manggagawang dayuhan. Ang problema, ayon sa Human Rights Watch, ay ang pagkakatali ng residency ng dayuhang manggagawa sa employer nito sa pamamagitan ng sponsorship system kaya napipigilan itong lumipat ng trabaho.

Ayon sa report na inilabas kahapon, dahil hindi saklaw ng Labor Laws ng UAE ang mga manggagawang dayuhan ay naglalantad sa mga ito sa mga pangaabuso ng kanilang mga amo at recruiters, gaya ng pagkumpiska sa pasaporte, ‘di pagpapasuweldo, labis na pagtatrabaho, ‘di pagpapakain at pisikal at seksuwal na pang-aabuso. - AP

Calatagan, Batangas, niyanig ng 5.4-magnitude na lindol