Ibinasura ng Navotas City Prosecutors Office ang kasong libelo na isinampa ng isang barangay kagawad laban sa anim na mamamahayag, kabilang ang reporter ng pahayagang ito.

Sa limang pahinang desisyon ni Fiscal Jennie C. Garcia na kinatigan ni Judge Lemuel B. Nobleza, officer-in-charge ng Malabon-Navotas City Prosecutors’ Office, wala umanong sapat na basehan upang isulong ang kasong libelo laban sa anim na mamamahayag.

Matatandaang kinasuhan ng libel ni Navotas City Barangay Kagawad Danilo Trinidad sina Beth Samson at Jun Paclibar (Police Files Tonight), Rey Galupo (Philippine Star), Rommel Sales (Hataw), Cherk Almadin (Abante) at ang reporter na ito ng Balita.

Nagsampa ng kaso si Trinidad matapos malathala sa mga nasabing pahayagan ang panunutok ng baril ng nasabing opisyal kay Dr. Henry Tinio, na katatapos lang na magsagawa ng “Oplan Tuli” noong Mayo 19, sa Barangay Sepac Almacen, Navotas City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa reklamo ni Trinidad, kinausap ni Tinio ang mga reporter para malathala ito at masira ang reputasyon ng una.

Nakuha ng mga reporter ang istorya mula sa spot report na may lagda mismo ng hepe ng Navotas Police at ang salaysay ni Tinio laban kay Trinidad ay kinunan sa loob mismo ng Station Investigation Division.