Ang Extraordinary General Assembly of the Synod of Bishops on the Family na nagpulong sa Vatican kamakailan ay nagtapos sa isang boto na tumanggi sa ilang probisyon ng dalawang isyu na unang pumukaw ng atensiyon ng daigdig. Ang una ay tungkol sa homosexuality. Isang preliminary report ang unang nagsabi na “homosexuals have gifts and qualities to offer to the Christian community”. Nawala sa final report ang tonong ito ng pagtanggap, sa halip inilarawan ang homosexuality bilang “one of the problems Catholic families have to face”. Ngunit nabigong ipasa ang probisyong ito sa final Synod report.

Ang pangalawang mahalagang isyu ay tungkol sa kung ang dibursiyado at yaong mga Katolikong muling ikinasal ay maaaring tumanggap ng komunyon. Nabigo rin ito.

Ngunit dalawang probisyon naman na isinulong ng liberal na mga elemento sa loob ng Simbahan ang humantong sa final report.

Nakasaad sa isa na mayroong “positive elements” sa civil marriages sa labas ng Simbahan at kahit namumuhay ang magkapareha sa labas ng kasal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang pangalawa, kailangang respetuhin ang mga Katoliko sa kanilang moral evaluation ng mga pamamaraan upang ma-regulate ang panganganak. Ito ay malayo sa dating paninindigan na nagbabawal sa anumang anyo ng artificial contraception.

Tulad ng inaasahan, ang pagtanggi ng anumang tono ng pagtanggap tungo sa gay people ay binatikos ng mas malawak na seksiyon ng Simbahan na binigyang pag-asa ni Pope Francis nang sabihin nitong “If a person is gay and seeks God and has goodwill, who am I to judge?” Anila, gayunman, sila ay nabuhayan sapagkat natalakay din ang isyu.

Sapagkat naging bukas ang Synod sa pagtalakay ng isyung ito, sinabi nila na nagdudulot ito ng “hope for further development down the road, particularly at next year’s Synod”. Sa pagitan ng ngayon at ng mas malaking Ordinary Assembly of the Synod of Bishops sa Oktubre 2015, magpapatuloy ang mga pagtalakay sa buong Simbahan.

Matapos ang botohan, nagkomento si Pope Francis sa harap ng Synod: “Personally, I would have been very worried and saddened if there hadn’t been these animated discussions, or if everyone had been in agreement, or silent in a false and acquiescent peace.”

Nangibabaw ang mga konserbatibo sa katatapos na Synod ngunit nagbukas ang Papa ng bintana kung saan hihihip ang hangin ng pagbabago ay magtatangay sa Simbahan tungo sa mas maawaing paglapit sa gay people at mga dibursiyadong magkakapareha.