Ni MINA NAVARRO

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila International Aiport Authority (MIAA) ang mga pasahero na gumagamit ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sisimulan na nila sa Nobyembre 1 ang pagpapatupad ng integration ng terminal fee sa tiket.

Inilabas ng MIAA ang paalala matapos ipagpaliban ng isang buwan ang naturang bagong sistema.

Una nito, sinabi ng MIAA na wala na silang nakikita na maaantala pa ang pagsasama ng terminal fee sa presyo ng airline ticket. Ang bagong sistema ay ipatutupad sana noong Oktubre 1.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ngunit iniurong ng MIAA ang sistema upang mabigyan ng sapat na oras ang mga apektadong pasahero, lalo na ang mga exempted sa pagbabayad ng terminal fee upang maabisuhan hinggil sa mga pamamaraan ng pagpapatupad.

Exempted sa pagbabayad ng terminal fee ang overseas Filipino workers, mga pilgrim na itinataguyod ng National Commission on Muslim Filipinos, mga atleta ng Philippine Sports Commission, at ang mga may pahintulot ng Tanggapan ng Pangulo. Hindi rin kasali ang mga bata na may dalawang taon gulang pababa.