Nagpatupad ng big time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa kahapon ng madaling araw.
Epektibo12:01 kahapon ng madaling araw nang magtapyas ang kumpanyang Pilipinas Shell ng P1.55 sa presyo ng kada litro ng gasoline at P1.30 sa diesel at kerosene.
Hindi naman nagpahuli ang Petron, PTT Philippines at Seaoil ng tapyasan ng P1.65 sa presyo ng gasoline at P1.30 sa diesel at kerosene.
Bandang 6:00 ng umaga nagpatupad ng rollback ang Total Philippines sa parehong halaga ng gasolina, diesel at Shell sa kerosene.
Ang bagong bawas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Noong Oktubre 12, nagtapyas ang mga kumpanya ng P1.60 sa kerosene, P1.55 sa diesel at P1.20 sa gasolina.