Sa hind sinasadyang pagkakaugnay ng mga isyu at pangyayari, isang transgender na Pilipino ang pinatay umano ng isang United States Marine sa Olongapo City, habang paparating ang Synod of Bishops sa Vatican sa isang posisyon ng mas malawak na pagmamalasakit sa mga homosexual.
Sa kabila ng mga pagbabago ng damdamin sa maraming bahagi ng daigding tungo sa mga homosexual, patuloy nilang inookupa ang isang uri ng limbo sa lipunan. Sa Synod sa Rome, ang Vatican sa pangunguna ni Pope Francis ay naghahangad ng mas malawak na pag-unawa at pagtanggap sa mga homosexual na, ayon sa paunang ulat ng Synod, ay nagtataglay ng mga talento at katangian na maihahandok sa Christian community.
Ngayon heto napatay si Jeffrey Laude, na tinawag ding “Jennifer” na namuhay bilang transgender sa Olongapo city, taglay ang mga pangunahing pisikal na katangian ng isang lalaki ngunit may damdaming babae. Waring naging biktima siya ng isang hate crime. Ayon sa pulisya, natagpuan siyang hubo’t hubad sa banyo ng isang hotel; lumalabas na isinubsob ang kanyang ulo sa inidoro at nalunod. Hinihinala na ang killer, na malamang na nagpapantasyang macho man siya, ay nagalit nang sobra nang matuklasang naloko siya ng isa pang lalaking inakala niyang babae.
Ang suspek ay isang American Marine, na miyembro ng military contingent na kalahok kamakailan sa isang naval exercise katuwang ang Filipino forces sa Zambales, sa ilalim ng Vising Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.
Ang huling nagkaroon ng kaparehong pangyayari ay noong 2005 kung saan isang Pinay na kinilala lamang na si “Nicole” ang nag-akusa sa isang sundalong Amerikano na ginahasa siya sa loob ng isang van. At pagkatapos, tulad ng ngayon, sumiklab ang mga protesta sa Metro Manila na kinabibilangan ng mga nasyonalista na humihingi ng katarungan para sa kaawa-awang biktima at ng pagwawalang-bisa sa VFA. Nagtapos ang kaso sa pagbawi ni “Nicole” ng kaso at kalaunan nanirahan sa America sa ilalim marahil ng areglong katanggap-tanggap sa lahat ng sangkot sa kaso.
Siyempre, walang “happy ending” para kay Jeffrey/Jennifer. Kailangan ngayong humakbang ang kaso, ayon sa panuntuhang nakatadhana sa VFA. Ang murder ay ang pangunahing issue, gayong ayon sa mga nasyonalista, kailangang ipawalang-bisa ang agreement mismo na tanda ng ating dating kolonyal na estado.
Ngunit ang side issue ng homosexuality kung kaya doble-kamalasan ng insidenteng ito. Aasa na na lamang tayo na makatutulong ang Vatican Synod sa pagpalutang ng mas malawak na pag-unawa at pagtanggap sa mga homosexual upang ang mga hate crime na tulad niyon na kumitil sa buhay ni Jeffrey/Jennifer sa Olongapo city ay magiging bahagi na lamang ng kasaysayan.