ANG Senado, ang mataas na kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas, ay nagdiriwang ng kanilang ika-98 anibersaryo ngayong Oktubre 16, 2014. Pinamumunuan ito ng Senate President, Senate President Pro Tempore, Majority Leader, at Minority Leader, na halal ng mga senador mula sa kanilang hanay.

Ang Senado ay binubuo ng 24 senador na halal ng bayan para sa anim na taon na termino, na may isang reeleksiyon. Idinaraos ang eleksiyon kada tatlong taon kung ang kalahati ng bilang ng mga senador ang nahalal; matapos ang isa pang tatlong taon, ang kalahati naman ang ihahalal. Pinahihintulutan ng Konstitusyon ang dalawang magkasunod na termino para sa isang senador.

Ang Senado ang tanging Philippine body na maaaring sumang-ayon sa mga tratado at duminig ng mga kaso ng impeachment. Ang mga tratado ay mga internasyonal na kasunduan na pinapasok ng bansa tulad ng mga convention, declaration, covenants at acts. Ilan sa mga makasaysayang tratado na pinagtibay ng Senado ay ang Visiting forces Agreement, International Labor Organization (ILO) Convention 97 at Convention 143 hinggil sa migrant workers, ILO Convention 189 hinggil sa domestic workers, at extradition treaties sa maraming bansa.

Ang pangunahing tungkulin ng isang senador ay ang paglikha ng mga batas, ngunit kailangang magsagawa siya ng pagsisiyasat ‘in aid of legislation’. Ang mga bill at resolusyon na inihain ng mga senador ay tinatalakay at inaaprubahan sa kkomite kung saan ito iniatang, at pagkatapos, iniisponsoran sa plenaryo. Pinagtutugma ng Senado at ng Kamara de Representantes ang magkakasalungat na mga bersiyon ng isang panukalang batas na inaprubahan sa parehong kapulungan sa bicameral conference committee.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mula 1907 hanggang 1916, ang Philippine Commission, sa pamumuno ng US Governor- General, ay nagsilbing Mataas na Kapulungan. Ang Philippine Legislature, na binubuo ng Senado at ng Kamara ay nilikha sa bisa ng Philippine Autonomy Act, o ng Jones Law, noong Agosto 29, 1916, upang magsilbing legislature body mula Oktubre 1916 hanggang Nobyembre 1935. Humalili rito ang National Assembly sa inagurasyon ng Commonwealth nong Nobyembre 15, 1935.

Tumupad sa tungkuling lehislatibo ang Kongreso noong 1946, na nakikibahagi ng kapangyarihan sa Ehekutibo at Hudikatura. Noong 1972, nilusaw ng Martial Law ang Kongreso, at pinalitan ito ng Batasang Pambansa. Muling nilikha ng 1987 Constitution ang lumang bicameral na istruktura.