Hinikayat ng Department of Health (DoH) ang publiko na magkaroon ng kaalaman sa sakit na Ebola para maging handa ang mga ito, ngayong tumitindi ang banta ng nakamamatay na sakit sa West Africa.

Aminado ang DoH na hindi sapat ang counter measures ng Pilipinas para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng virus, na pumatay na sa mahigit 4,000 katao, ayon sa taya ng World Health Organization (WHO) nitong Sabado.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) ng kagawaran, hindi malayong dumating makapasok ang Ebola sa Pilipinas dahil kulang, aniya, ang travel restrictions ng bansa at hindi rin lahat ng ospital dito ay makatutugon sa pangangailangan ng mga nahawa ng virus.

Sinabi rin ni Tayag na magpapadala ang Pilipinas ng mga doktor at nurse sa West Africa bilang volunteer laban sa Ebola outbreak.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, kailangan aniyang boluntaryo ito at dahil sa bagsik ng virus ay isasailalim sa matinding training ang mga health personnel na ipadadala sa West Africa.