Pinayuhan ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang Palasyo na sibakin na sa puwesto si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima para maibangon ang imahe ng pambansang pulisya.

Bagamat patuloy ang pagtanggi ni Purisima na mag-leave of absence at ayaw din nitong magbitiw sa puwesto, iminungkahi ni Santiago na italaga na lang ito bilang commissioner ng National Police Commission (Napolcom) o kaya’y assistant secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) o Department of National Defense (DND).

“President Aquino, please kick Purisima upstairs so that he will leave the PNP alone. Mr. Purisima has no defines except that his alleged political enemies are exaggerating his unexplained wealth. Exaggerated or not, the question is: Where did he source all the wealth?” tanong ni Santiago.

Aniya, ito lang ang paraan para mawala ang isang lider na may kaduda-dudang pagkatao pero ayaw namang sibakin ng Pangulo.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kumbinsido rin si Santiago na maraming inililihim si Purisima nang dumalo ito sa pagdinig ng Senado, lalo na sa usapin ng kayamanan nito.

Inihayag din ni Santiago na umiiral na ang “epidemic of scandals” sa administrasyong Aquino dahil sa sunud-sunod na pagkakasangkot sa kontrobersiya ng matataas na opisyal ng gobyerno.