Edu-Manzano_REGGEE-copy (1)

MATAGAL nang may sitsit na balik-ABS-CBN si Edu Manzano dahil hindi na niya kaya ang stress sa programang Face The People ng TV5.

 

Pero ang tsika naman sa amin, babalik si Edu sa Dos para unahan nang umalis bago magtapos ang season three ng Face The People na balitang wala nang kasunod.

National

VP Sara, sa umano'y 'search warrant' sa kanilang mga tahanan: 'There will be planted evidence!'

 

Nagtanong kami sa source namin sa TV5 tungkol dito, at ang sabi sa amin, “As of now po ang sabi lang ay magtatapos na ang season three, ‘yung season four po, walang advise kung meron pa. I will let you know po.”

 

“May meeting kami sa Monday with the management, Reggs, so hindi kita masasagot kung may season four pa,”  sabi naman ng tinanong naming TV5 executive. “But based on the ratings, doing well naman. So I hope, meron naman.”

 

Binanggit namin ang tsikang aalis si Edu sa FTP dahil hindi na kaya ang stress sa show.

“Actually, si Edu per season naman ang usapan, so baka hindi na siya mag-renew for another season. Talaga? Aalis na siya? Sayang naman,” sabi pa sa amin ng TV5 exec.

 

Ito rin halos ang sagot sa amin ng isa pang involved sa Face The People, “They are still working on it, both Edu and season four.”

 

So, hindi pa sure ang pagbabalik ni Edu sa ABS-CBN?