Kaagad na nasawi ang isang dating barangay chairman at ngayon ay barangay kagawad, gayundin ang driver nito, matapos silang pagbabarilin ng apat na hinihinalang hired killers sa tapat mismo ng barangay hall sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Sa report kay Senior Supt. Ariel Arcinas, hepe ng Caloocan City Police, kinilala ang mga nasawi na sina Conrado Cruz, 68, dating chairman at ngayon ay kagawad ng Barangay 12; at Jonathan Gonzales, driver ni Cruz, 40 anyos.

Tinamaan ng mga bala ng .40 caliber pistol at .45 caliber si Cruz sa ulo at mukha, habang sa iba’t ibang bahagi naman ng katawan ang tama ni Gonzales.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Joel Montebon, ng Station Investigation Division (SID), bandang 8:45 ng umaga nang tambangan ang mga biktima sa Bangayngay Street sa Bgy. 12, Caloocan City, habang sakay ng Isuzu Crosswind (PQW-674).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang lumiko ang sasakyan sa barangay hall ay lumapit ang apat na suspek at pinagbabaril ang mga biktima.

Mahigit isang dekadang nanungkulan si Cruz bilang chairman ng Bgy. 12 at pumartido sa mga nakaraang alkalde tulad nina Boy Asistio, Rey Malonzo at Enrico Echiverri.

Natapos ang kanyang termino noong 2013 at nanalo nang kumandidatong kagawad.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang tunay na motibo sa pagpatay kay Cruz.