HONG KONG (AFP) – Binigyan kahapon ng palugit ang mga raliyista sa Hong Kong upang lisanin ang kalsada mula sa ilang araw nang malawakang protesta kasunod ng pagpapang-abot sa mga riot police, habang iginigiit ng suportado ng China na si Chief Executive Leung Chun-ying na ang kaguluhan ay nagbabanta ng “serious consequences” sa kaligtasan ng publiko.

Ayon kay Chun-ying, determinado ang gobyerno “[to] take all necessary actions to restore social order” at pahintulutan ang mga residente “[to] return to their normal work and life”. Partikular niyang tinukoy ang pangangailangang magbalik-trabaho na ngayong Lunes ang mga kawani ng gobyerno.

'Definitely!' Sen. Robin, bobotong 'No' sa impeachment ni VP Sara