Dapat nang itigil ang nakasanayang pagbibigay ng abuloy sa mga kasal, binyag at libing o binansagang “KBL.”

Ito ang panawagan ni Pangulong Aquino sa kanyang pagdalo sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na kinabibilangan ng mga gobernador at mga alkalde.

Sinabi ng Pangulo na panahon na para ituon ang pondo ng gobyerno sa mga mahahalagang proyekto na mas kapakipakinabang sa mamamayan. Idinagdag niya na sa halip mamigay ng mga panandaliang tulong gaya ng mga abuloy o barangay hall, ipagawa na lamang ito ng mga irigasyon, kalsada at paaralan.

National

Grupong Manibela, muling magkakasa ng transport strike; sasabay sa National Rally for Peace?

Aminado si Pangulong Aquino na hindi ito madali dahil nakasanayan na pero dapat simulan na ang pagtutuwid sa sistema.