Pabor ang Malacañang sa plano ng National Telecommunications Commission (NTC) na iparehistro ang lahat ng sim card sa bansa.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, suportado nila ang plano ng NTC na magkaroon ng batas para sa mandatory registration ng SIM card.

Kasunod nito ang muling pagbuhay sa panukala sa pagdinig ng Senado kaugnay sa modernization bill para sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Teresita Ang-See, Filipino-Chinese anti-kidnapping crusader, nagagamit sa kidnap-for-ransom at iba pang krimen ang mga prepaid SIM card sa bansa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Gayunman, tutol ang ilan sa naturang panukala dahil sa issue ng privacy.