SEOUL (Reuters)— Nakumpleto na ng North Korea, tadtad na ng sanction sa United Nations sa kanyang mga missile at nuclear test, ang malaking pagbabago sa kanyang rocket launch site, sinabi ng isang US think tank noong Huwebes, nagbibigay-daan sa pagbabaril ng mga rocket na mas malalaki at mas malalayo ang nararating.

Ang ermitanyong North Korea, technically ay nasa giyera pa rin sa South matapos ang 1950-53 Korean War na nagtapos sa truce, at hindi sa peace treaty, ay regular na nagbabaril ng mga short-range missile o rocket sa kanyang karagatan sa silangan at kanluran.

Ipinakita ng mga litrato sa commercial satellite na natapos na ng North Korea ang kanyang pagtatrabaho sa isang malaking programa para i-upgrade ang Sohae Satellite Launch Station, sa kanlurang rehiyon ng North malapit sa hangganan sa China, sinabi ng 38 North Website, na pinatatakbo ng Johns Hopkins University’s U.S.-Korea Institute.
National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol