Pinaiiwas ng Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong ang mga Pinoy na magtungo sa mga lugar na pinaggaganapan ng kilos protesta at matataong lugar upang hindi madamay sa karahasan.

Sa isang panayam, sinabi ni Consul General Bernardita Catalla na walang Pinoy na sumali sa isinagawang malawakang kilos protesta ng mga Hong Kong national na karamihan ay mga estudyante sa Admiralty area sa central business district ng HK laban sa nais ng China na pumili ng mga kandidato sa eleksyon para maging susunod na chief executive.

Tiniyak ni Catalla na nananatiling tahimik at kalmado ang sitwasyon lalo na’t malayo naman ang mga nagpoprotesta dahil mayorya sa 185,000 Pinoy ay nasa residential area sa Hong Kong.

Kahapon nagka-tensyon nang bombahin ng tear gas ang mga raliyista sa gitna ng kanilang protesta sa lugar.

National

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD

Posibleng magtuluy-tuloy ang kilos protesta hanggang sa National Day of China sa Oktubre 1.