WASHINGTON (AFP)— Sa bibihirang pagkakataon ay humingi ng paumanhin ang Apple sa software bug na dahilan para mawalan ng serbisyo ang mga iPhone user, habang sinisikap na mapahupa ang bagyo ng protesta sa mga ulat na ang bagong handset nito ay madaling ibaluktot.

“Our iPhones are designed, engineered and manufactured to be both beautiful and sturdy,” sabi ng spokeswoman sa email sa AFP.

“They also feature stainless steel and titanium inserts to reinforce high-stress locations and use the strongest glass in the smartphone industry.”

Nag-alok ang Apple ng “workaround” sa software glitch matapos na ilang user ang nagreklamo sa social media at online forum na hindi na gumana ang mga device matapos ang iOS 8.0.1 update.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We have a workaround for you if you have an iPhone 6 or iPhone 6 Plus and you lost cellular service and Touch ID functionality today after updating to iOS 8.0.1,” sabi ng Apple.