Nabigo si Nestor Colonia sa kanyang pagtatangka na mabigyan ang bansa ng una nitong gintong medalya sa ginaganap na 17th Asian Games sa Incheon, South Korea makaraang mabigong makabuhat sa tatlong beses niyang pagtatangka sa weightlifting event.

“Hindi talaga kinaya, e,”pahayag ni Philippine Sports Commission Chairman Richie Garcia na napanood ang pagsabak ni Colonia. “All three attempts, nahirapan siya.”

Nabigong mabuhat ni Colonia ang 120kgs sa kanyang unang tatlong attempts sa snatch ng men’s 56-kg class kung saan binura naman ng Vietnamese champion na si Kim Tuan Thach ang Asian record matapos makabuhat ng 134kgs sa snatch na tinambalan pa nito ng 160 kgs sa clean and jerk para sa kabuuang 290kgs upang pangunahan ang mga qualifiers.

Dahil sa kabiguan, hindi na rin umangat si Colonia mula sa kanyang dating No. 10 ranking na nakuha niya noong 2010 Guangzhou Games.
Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado