Sinabi ng Office of the Vice President na wala itong intensiyon na hiyain ang Kamara kaugnay sa naging talumpati ni VP Jejomar Binay noong Huwebes.

“We concede to the point of Speaker (Feliciano) Belmonte that the Batasan Pambansa building is a very different public building,” pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla, tagapagsalita ni Binay sa usaping pulitika.

Ipinaliwanag ni Remulla na hangad lamang ng Bise Presidente na maihambing ang cost per square meter ng iba’t ibang pampublikong gusali na ikinumpuni ng iisang kontratista.

“A major cost factor for Makati Building 2 is the strengthening of the structure built beside a river, which people in offices must share with moving vehicles in an elevated parking garage,” ayon kay Remulla.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This is all the Vice President wanted to convey, and there was no intent to offend the Speaker,” he said.

Ito ay matapos pumalag si Belmonte sa talumpati ni Binay kasabay ng paggiit na ang mga gusali ng Kamara ay hindi mga “garahe” tulad ng inihayag ni Binay.

Binanggit ni Binay sa kanyang live nationwide broadcast na nagkakahalaga ng P69,549 per square meter ang kontrobersiyal na Makati City Hall Building 2 na maikukumpara sa binabatikos na Iloilo Convention Center na proyekto ni Senate President Franklin Drilon, maging ang Annex Building at North Lounge Extension ng Kamara. - Madel Sabater Namit