Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang cybersex den na nagkukunwaring internet café sa Bataan, at dinakip ang 37 katao na hinihinalang sangkot sa online sex trade.

Tatlumpu’t pitong lalaki at babae na pawang nasa hustong gulang ang inaresto sa pagsalakay ng NBI sa isang internet shop sa Dinalupihan, Bataan, ayon kay NBIComputer Crimes Division (CCD) Executive Officer Victor Lorenzo.

Sinabi ni Lorenzo na kinumpiska rin ng NBI ang 115 computer unit.

“Mahigit 10 taon na silang nag-o-operate at marami sa kanilang kliyente ay nasa ibang bansa, karamihan ay mula sa Amerika,” anang NBI. - Leonard D. Postrado

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon