NAGSAGAWA ang personal doctor ni Joan Rivers ng unauthorized biopsy sa 81-anyos bago siya inatake sa puso, iniulat ng CNN.

At lumutang ang isa pang nakababahalang detalye: Isang hindi pinangalanang tauhan ng Yorkville Endoscopy Clinic ang nagsabi rin sa news organization na ang doktor — inilarawan na personal ear-nose-throat physician ni Joan — ay inulat na kumuha ng selfie habang si Joan ay groge sa anesthesia.

Si Joan ay nasa klinika para sa nakatakdang throat procedure ng isa pang doktor, ang gastroenterologist na si Dr. Lawrence Cohen. Nang matapos siya, ang personal doctor ng komedyante (na hindi pa inilalabas ang pangalan) ay iniulat na nagsimulang magsagawa ng biopsy nang walang pahintulot ng pasyente, ayon sa CNN. Ang ENT ay hindi certified na magsagawa ng procedures sa Manhattan clinic, alinsunod sa hinihiling ng batas, sinabi ng CNN.

“Investigators believe that Rivers’s vocal cords began to swell during the allegedly unauthorized biopsy, cutting off the flow of oxygen to her lungs, which led to cardiac arrest on the morning of August 29,” sabi ng source.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Patuloy ang imbestigasyon sa naging dahilan ng pakamatay ni Joan Rivers. Gayunman, ang bagong impormasyong ito ay sumasalungat sa naunang pahayag ng klinika: Itinanggi ng Yorkville Endoscopy noong Huwebes ang mga ulat na may isinasagawang anumang vocal cord biopsy roon.

Hiniling ng board kay Dr. Cohen, ang medical director ng Yorkville Endoscopy, kung saan sumasailalim sa procedure si Joan at inatake sa puso, na bumaba sa kanyang puwesto at tinanggap niya ito, kinumpirma ng The Insider With Yahoo noong Biyernes.

“Dr. Cohen is not currently performing procedures at Yorkville Endoscopy; nor is he currently serving as medical director," sabi ng spokesperson para sa Yorkville Endoscopy.

Sa kabila ng mga pagtatangkang sagipin si Joan, tumigil siya sa paghinga, at hindi na muling nagkamalay. Namatay siya sa Mount Sinai Hospital noong Setyembre 4 matapos alisin sa life support.