ONE FC's newest superstar Fil-Am Brandon Vera during the media launch at NBA Cafe in SM Aura.    Photo by Tony Pionilla

Magbabalik sa bansa ang One Fighting Championship (One FC), ang pinakamalaking mixed martial arts organization sa Asia, sa Disyembre 5 para sa year-end event na katatampukan ng isa sa pinakakilalang Filipino mixed martial artist.

Ang Filipino-Italian-American na si Brandon Vera ay lalaban sa loob ng octagon sa unang pagkakataon sa harap ng kanyang mga kababayan sa Disyembre 5 sa Mall of Asia Arena.

Tinaguriang “The Truth”, si Vera ay kilala bilang isa sa pinakamapanganib na MMA fighter.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dating miyembro ng United States Air Force wrestling team, si Vera ay kinatatakutan ng mga kalaban dahil sa kanyang galing sa wrestling, Muay Thai, at Brazilian Jiu-Jitsu.

“Kamusta kayong lahat?,” pagbati ni Vera sa mga piling mamamahayag na dumalo sa kanyang press conference sa NBA Cafe sa Bonifacio Global City kahapon. “I’d like to thank One FC for taking me in. Soon as I got the call from them and learned that my first fight with them would be in Manila, I immediately said yes.”

“I’ve been wanting to fight here since day one. I’m excited,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Vera, nakatanggap din siya ng alok mula sa ibang MMA promotions sa United States ngunit ang One FC ang kanyang pinili dahil ito ang malapit sa kanyang puso.

“Pinoy talaga ang puso ko,” pagmamalaki ni Vera na tumanggap ng malalakas na palakpakan at hiyawan. “One thing that really hooked me in was that One FC is based in Asia, and being part Filipino, that brings me closer to my roots.”

Papangalanan ang makatutunggali ni Vera sa mga darating na araw.