Sa mga liblib na nayon, makikita pa rin ang mga sari-sari store. Puwedeng uminom doon ng isang tasang kape. Hindi rin naiiba ang mga tanawin sa Manila na may mga sari-sari store na maaari kang makabili ng isang tasang kape. Sa makabagong panahon, namamalagi ang araw-araw na tanawin, ngunit ang mga tindahan ay tinatawag nang coffee shop at convenience store, kung saan pangunahing bahagi ng serbisyo ay ang komportableng pamimili. Ang mga makabagong kapalit ng sarisari store ay karaniwang matatagpuan sa mga sentro ng pangangalakal gaya ng Ortigas sa Pasig, Eastwood sa Lungsod ng Quezon at sa ayala sa Makati. May nagsisilbi pa rin ng mainit na tinimplang kapeng 3-in-1, at ito ay sa mga tindahang kariton, sa mga lugar na hindi sinisita o pinaalis ng mga guwardiya o pulis, nguni’t ang namamayani ay ang mga makabagong 24/7 convenience store, na bukas araw at gabi.
Ang aking inilahad ay hindi lamang pagbabago sa tanawin sa madaling araw, kundi isang bahagi ng mabilis na pagsulong ng negosyong tingian sa Pilipinas, na ang kasangkot ay hindi lamang mga negosyante o tatak- Pilipino kundi pati ang mga dayuhan. Sa aking pagmamasid, anim na global brand ang nakapasok na sa ganitong negosyo sa Pilipinas. Nangunguna ang 7-Eleven mula sa Japan, na nagbabalak na doblehin ang bilang ng tindahan mula sa isang libo sa kasalukuyan sa loob ng apat na taon.
Pinararami rin ng grupo ng mga Gokongwei, may hawak ng franchise ng Ministop mula sa Japan, ang bilang ng kanilang mga sangay, na unang binuksan noong 2000. Sa pamamagitan ng Puregold Price Club ay nakapasok na rin ang Lawson convenience store chain, mula rin sa Japan. Kahit ang Circle K, mula sa amerika, ay interesado sa Pilipinas, katibayan ng malakas na negosyong tingian sa bansa.
Ang pagpasok ng mga dayuhang tatak ay nagdulot ng agam-agam sa ilang lokal na negosyante, dahil na rin sa sinasabing labi ng “colonial mentality” sa mga Pilipino. ang paniniwala na mas nakalalamang ang mga dayuhang tatak ay bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga hamon na kailangang harapin ng mga nagnenegosyo sa Pilipinas, at ang kalamangan ng mga lokal na negosyante dahil mas kilala nila ang panlasa ng mga mamimiling Pilipino. (Durugtungan)