airportSecurity05_kjrosales_010914-Page-One-INSET_800x526-550x361

Napigil ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tangkang pagpapasabog ng isang car bomb sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maaresto ang apat katao kahapon.

Ayon sa sources, natagpuan ng mga tauhan ng NBI ng improvised explosive device (IED) sa likurang upuan ng isang Toyota Revo WMK-129.

Ang IED ay mayroong “Goodbye Philippines,” isang ipinagbabawal na paputok, na ibinalot sa mga bote na naglalaman ng gasolina.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Lumitaw sa record ng NBI na na-intercept ng mga tauhan nito ang car bomb dakong 1:30 ng madaling araw kung saan naaresto ang apat na suspek.

“Ang grupo ang kinabibilangan ng mga makakanang personalidad na dismayado sa gobyerno sa pakikitungo nito sa problema ng panghihimasok ng Chinese military sa Spratlys Island,” ayon sa NBI insider.

“Hindi ito isang terrorist threat subalit isang destabilization attempt,” aniya.

Bukod sa IED, nakakuha rin ang NBI ng isang manifesto ng grupo kung saan nakasaad ang plano nito na pasabugin ang iba pang institusyon tulad ng DMCI main office, SM Mall of Asia at Chinese Embassy.

Una nang na iulat na iniimbestigahan ang DMCI ng NBI, Bureau of Immigration at Department of Labor and Employment (DoLE) dahil sa pagkuha ng mga trabahador na Chinese para sa Calaca Power Plant.

Base sa salaysay ng isa sa mga naarestong suspek, hindi plano ng grupo na bombahin ang NAIA subalit ang mga Chinese office.

Ikinuwento rin ng NBI source na dapat sanang pasasabugin ng grupo ang isang palikuran sa SM Mall of Asia subalit ikakandado muna nila ito upang walang masaktan na sibilyan.

Kasalukuyang nakapiit ang apat na suspek sa NBI headquarters sa Taft Avenue, Manila kung saan sila isinalang sa proseso ng booking at mugshot.