Agosto 31, 1897 binigyan ng patent ang imbensiyon ni Thomas Alba Edison na “kinetoscope”, isang device para masilayan ang pelikula na walang tunog.

Nagsimula ito nang maimbento ng assistant niyang si W.K.L. Dickson ang motion picture viewer na noong una ay ikinokonsidera niyang walang kuwenta pero kalaunan ay naging matagumpay. Nasunog ang karamihan sa mga pelikulang kinetoscope dahil sa kanilang acidic base. Gumawa rin si Edison ng “contact papers,” o ang mga kopya ng mga individual frame ng pelikula.

Noong 1893, dinisenyo nina Edison at Dickson ang “Black Maria”, ang unang movie studio na ipinangalan sa isang “police paddy pagon,” na lumikha ng umaabot sa 300 pelikula. Ang ilan sa mga kilalang pelikula ay ang “Three Acrobats” at “Fred Ott’s Sneeze”.

Kalaunan, napalitan na ng screen projectors ang kinetoscope dahil iisang tao lang ang maaaring gumamit nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho