Mark David Chapman

BUFFALO, N.Y. (AP) – Sinabi ng nakapiit na pumatay kay John Lennon na patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga liham tungkol sa pighating kanyang idinulot sa paghahangad niyang sumikat halos 34 taon na ang nakalilipas.

“I am sorry for causing that type of pain,” sabi ni Mark David Chapman sa parole board noong nakaraang linggo, ayon sa transcript na isinapubliko noong Miyerkules. “I am sorry for being such an idiot and choosing the wrong way for glory.”

Ito ang ikawalong pagharap si Chapman sa parole board. At sa muling pagtanggi na palayain siya, sinabi ng tatlong miyembro ng panel na “[it would] so deprecate the serious nature of the crime as to undermine respect for the law.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Limang beses na ipinutok ni Chapman ang kanyang baril noong Disyembre 8, 1980, sa labas ng apartment sa Dakota na tiraran ni John Lennon sa Upper West Side ng Manhattan, at apat sa mga ito ang tumama sa dating Beatle. Nang umamin siya sa second-degree murder, hinatulan si Chapman noong 1981 ng hanggang 20 taong pagkakakulong.

Sinabi niya sa parole board noong nakaraang linggo na nauunawaan niya kung bakit tinanggihan ang pagpapalaya sa kanya batay sa dami ng taong nasaktan niya.

“Many, many people loved him. He was a great and talented man and they are still hurting,” sabi ni Chapman, 59. “I get letters so that's a major factor. It's not a regular crime.”

Nakapiit sa Wende Correctional Facility, sa silangan ng Buffalo, maaari pa ring mag-apply ng parole si Chapman pero kailangan niyang magpalipas ng dalawang taon.