Kamakailan, pinalutang ng mga alyadong pinuno at kongresista ni PNoy ang pag-aamyenda sa Constitution o Cha-Cha (Charter Change). Si DILG Sec. Mar Roxas ang unang nagpahayag sa isang TV interview na pabor siya sa term extension ni Pangulong Noynoy Aquino. Sinundan ito ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na maghahain siya ng panukalang batas tungkol sa Cha-Cha at sa pagpalawig sa termino ng Pangulo. Mahiwaga ang katugunan ni PNoy tungkol sa term extension: “Pakikinggan ko ang boses ng aking mga Boss.” Dahil dito, nagkagulo ang larangan ng pulitika. Kinastigo si PNoy ng mga kritiko at sinabing labag sa batas ang pagpapalawig ng panunungkulan na itinatakda ng Constitution na anim na taon lang na walang reeleksiyon.

Nakiisa ang ilang miyembro ng Liberal Party at mga kaalyado ng binatang Pangulo sa pagsasabing lalabagin ni PNoy ang Constitution, at susuwayin niya ang legacy ni Tita Cory na tinanggihan ang panibagong 6-year term noong 1998.

Ilang araw ang nakalilipas, nadulas si Presidential spokesman Edwin Lacierda sa interview sa Palace reporters na baka maganap daw ang “No-El” o “No elections” sa 2016. Agad binawi ni Lacierda ang diumano ay “slip of the tongue” na pahayag dahil sa matinding pagtutol ng publiko dahil hindi raw niya gamay ang Filipino dahil mas fluent siya sa English. Sabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, higit na mabuting sa English magsalita si Lacierda upang hindi maging magulo ang kanyang mga pahayag. Ano, si Lacierda ba ay “Higit pa sa malansang isda” na mahina sa wikang pambansa at mas fluent sa wika ni Shakespeare?

Siyanga pala, sa kolum ko noong Lunes, naisulat na si ex-Sen. Ninoy Aquino ay nakulong sa US. Hindi siya nakulong kundi siya ay naka-exile doon. Also, ang ika-136 kaarawan ni ex-President Manuel L. Quezon ay ipingdiwang noong Agosto 19, hindi Agosto 18. Paumanhin po.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tandaan sana ni PNoy at ng kanyang mga KKK, cordon sanitaire at mga kaalyado na hindi lang mga kritiko, mambabatas at mga obispo ng CBCP ang kontra sa Cha-Cha kundi ang mga Pinoy na tunay na “Boss” ni PNoy. One more time, Mr. President ayaw ng mga tao ang Cha-Cha, term extension at paggupit sa kapangyarihan ng Supreme Court!