Kapag nagsimula ang programa ng economic integration ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2015, mga ilang buwan mula ngayon, inaasahan na magiging pangunahing tagasulong ang agrikultura ng kaunlran at umaasa ang Pilipinas sa mahalagang papel nito sa bagong bugso ng mga bagay.

Mais ang magiging kampeong produkto ng Pilipinas sa ASEAN economic integration scheme, ayon kay Agriculture Secretry Proceso J. Alcala. Saklaw ng mais ang 50% ng pakain ng bansa ang isinu-supply sa iba pang bansa sa ASEAN na nag-aangkat ng kanilang mga pangangailangan mula sa America. Mais din ang staple food ng 14 milyong Pilipino sa timog. May mahigit 800,000 pamilya sa bansa ang umaasa sa mais bilang kabuhayan.

Ngunit nananatiling pangunahing staple ng mga Pilipino ang mais at tinatahak ng Department of Agriculture (DA) ang pangmatagalang plano nito uapng matamo ang rice self-sufficiency sa pagtatapos ng 2015. Sa pagtatapos nito, nagsisikap ng DA katuwang ang mga agricultural technician na nakatalaga sa mga lokal na pamahalaan. Nagtayo ito ng isang sistema ng pag-iimbak ng kalidad na butil, pinahusay na irigasyon, at naglunsad ng isang programa para sa mekanisasyon ng mga sakahan.

Kinailangang mag-angkat ng bigas ang Pilipinas mula sa Vietnam at Thailand, ayon kay Sec. Alcala, at ang panguhahing factor sa kanilang programa sa bigas ay ang mababang halaga ng produksiyon. Makatutulong ang mekanisasyon ng sakahan sa pagpapababa ng gastusin, kasabay ang pinahusay na irigasyon na makapagpapalawak ng sakahan sa bansa para sa palay upang makapag-ani ng dalawa o tatlong beses sa isang taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kritikal ang susunod na taon para sa Pilipinas sa harap ng pagkilos ng mga bansa sa ASEAN upang pagsanibin ang kanilang maraming aktibidad sa ekonomiya. Magkakaroon ng maraming pagbabago sa larangan ng kalakalan at transportasyon, konstruksiyon, industriya, turismo, at serbisyo. Magkakaroon ng mas malawak na kooperasyon at kompetisyon din.

May kumpiyansa tayo na magiging handa ang agrikultura ng Pilipinas sa mangyayaring integrasyon kasama ang iba pang ekonomiya ng bansa.