Dapat bigyan ng kahalagahan ang mga sakripisyo at kontribusyon ng mga bayani sa bansa.

Ito ang apela ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa mga Pinoy sa kanyang talumpati kahapon, sa paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon sa Pangulo, magagawa na hindi masayang ang pagsasakripisyo ng mga bayani sa bansa sa pagiging kaakibat ng reporma at tagapagtaguyod ng positibong kaisipan.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Aniya, maipamamalas ng Pinoy ang kabayanihan sa pagiging instrumento ng magandang balita sa halip na tagapagpakalat ng tsismis o panay na pambabatikos.

Sa nasabing okasyon, kinilala ng Pangulong Aquino ang mga bayaning overseas Filipino worker (OFW) sa Fukushima nang magkaroon ng nuclear crisis, mga kababayan na itinuring na bayani sa panahon ng kalamidad, at mga pulis at sundalong nagsasakripisyo para sa kaligtasan at seguridad.

“Tiyak na malayo ang mararating nating pagbabago kung lahat ng 100 milyong Pilipino ay magkakapit-bisig para sa bansa sa halip na makisali sa batikusan,” pagtatapos ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Libingan ng mga Bayani.