Isasagawa ang 114th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) bitbit ang tema sa taong ito na “Tapat na Serbisyo Alay Ko Dahil Lingkod Bayani Ako” sa 4th R.A.C.E. to Serve 10K/5K/3K Fun Run 2014 simula sa ala-singko ng umaga sa Setyembre 6 sa out-and-back course sa SM MOA Complex grounds sa Pasay City.

Napag-alaman kay Philippine Sports Commission (PSC) Plans and Programs Development Division chief Dr. Lauro Domingo, Jr., na nakiusap si Civil Service Commission (CSC) chairman Francisco Duque III kay PSC chairman Ricardo Garcia upang ang tanggapan ng huli ang humawak sa aspetong teknikal ng 3-in-1 road race.

Agad namang tinanggap ni Garcia ang kahilingan na maging partner ang PSC ng CSC NCR para sa makabuluhang patakbo at itinalaga ni Domingo si PSC Engineering Section head Arch. Noel Elnar para maging race director.

Magiging tampok din sa pakarera ang pangunahing grassroots sports development program ng PSC na Laro’t- Saya, PLAY N LEARN base sa kahilingan ng mga ahensiya na magsagawa ng aerobics at sumba.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Bukas sa mga Pinoy ito para sa 18-anyos at pataas. Kailangang may permiso sa kanilang mga parents o guardians ang mga nais sumali na wala pang 18 taon ang edad. Ang registration fee ay P150 na may race bib sa saan mang mga sangay ng CSC National Capital Region (NCR) Field Office. Mada-download ang registration forms sa CSC NCR website www.cscncr.com. Walang on-site registration sa araw ng karera.

Ang maiilak rito’y mapupunta sa Pondong Pamanang Lingkod Bayani, na tinutustos sa mga kawani ng gobyerno na namayapa sa oras ng kanilang pagtatrabaho. May regional fun runs sa iba pang kapuluan para sa taunang pagdiriwang ng PCSA tuwing buwan ng Setyembre bilang pag-aalaala sa kapanganakan ng sibil na paglilingkod sa bansa noong Set. 19, 1900.

Para iba pang detalye: Henry Peliño sa (02) 982-5673, (02) 911-600101 local 8212, Cynthia Rapacon sa (02) 740-8412 local 201, email [email protected] at Arch. Elnar sa 525-0808, 524-4336, 525-2240, 523-9831, 524-6055, 524-4408 o 400-1864 local 192 o [email protected].