Mahigit 64 na milyong trabaho ang malilikha kapag naipatupad na sa susunod na taon ang economic integration sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN), ayon sa International Labor Organization (ILO).

Sa inilabas na joint study sa Asian Development Bank (ADB), sinabi ng ILO na ito ang tinatayang bilang ng magiging oportunidad sa trabaho para sa ASEAN Economic Community (AEC) sa 2015 dahil mabibigyangdaan ang “freer flow of skilled labour, services, investment and goods” sa 10 bansang miyembro nito.

Sa pamamagitan nito, ayon sa ILO, ay mapapaunlad ang buhay ng tinatayang 600 milyong mamamayan sa rehiyon.

Sinabi pa ng ILO na karamihan sa mga iaalok na trabaho ay para sa mga medium-skilled worker na may 38 milyon, kasunod ang high-skilled na nasa 14 milyon, at low skilled, 12 milyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, nagbabala ang ILO sa posibilidad na mapalala ng AEC ang problema sa kawalan ng trabaho sa ilang bansa sa ASEAN dahil inaasahang sisigla ang migration ng mga low at medium skilled worker.

“The report predicts that skills shortages and skills mismatches are likely to worsen, due to inadequate availability and quality of education and training,” paliwanag ng ILO. “ASEAN currently focuses on low and medium skilled workers, a flow which is likely to increase in response to demand, particularly in the construction, agricultural and domestic work sectors.”

Ayon sa ILO, maiiwasan ito sa pamamagitan ng paghahanda sa mga manggagawa sa pagpapatupad ng “more effective skills’ recognition systems, and closer links between education and the labor market” at pagbibigay ng prioridad sa migration management. - Samuel P. Medenilla