Habang patuloy ang pagdating ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa bansa mula Libya, ilan sa mga ito ang muling nakahanap ng bagong pagtatrabahuhan sa ibang bansa, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa panayam, sinabi ni POEA Administrator Hans Cacdac na ilan sa mga nagsibalik sa Pilipinas ay nakakuha na ng trabaho sa mga foreign company at posibleng umalis sa bansa sa mga susunod na buwan.

“We have at least 50, which we have already have referred for valid overseas employment,” pahayag ni Cacdac.

Base sa ulat ng Department of Labor and Employment (DoLE), mahigit sa kalahati ng tinatayang 3,000 Pinoy na nagsiuwi mula sa Libya ang nakinabang sa tulong ng gobyerno upang makahanap ng bagong trabaho sa ibang bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaasahan na ito ng gobyerno dahil hindi kayang pantayan ng mga employer sa bansa ang sahod ng nagsiuwing OFW kumpara sa tinatanggap ng mga ito sa Libya.

Karamihan, aniya, sa mga OFW mula sa Libya ay inalok ng trabaho sa gas at medical sector na malaki ang sahod sa ibang bansa.

“Most of them prefer other markets in the Middle East like Saudi Arabia or the UAE (United Arab Emirates),” paliwanag ni Cacdac. - Samuel P. Medenilla