Pumapayag na si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na magpa-lifestyle check.

Ayon kay Henares, wala siyang itinatago at ang lahat ng kanyang ari-arian ay nakadeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Ito ang sagot ni Henares sa hamon ng isang taxpayer na isa ring radio listener na nagsabing “dapat na isailalim sa lifestyle check si Henares upang matukoy kung mayroon itong itinatagong ari-arian o kayamanan.”

Ito ay kasunod na rin ng paghahain ng BIR ng mga kasong tax evasion laban sa mga negosyante, at mga indibidwal, kabilang na si Sarangani Rep. at boxing icon Manny Pacquiao na aabot sa P2.9 bilyong buwis ang hinahabol sa kanyang pamahalaan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Wala hong problema, eh di i-lifestyle check n’yo ako. Nakadeklara naman ho ‘yan lahat sa SALN ko,” sagot ni Henares.

Ipinaliwanag ni Henares na bago siya naging BIR chief ay naging private lawyer muna ito siya at kung tutuusin ay mas malaki ang kinikita niya noon kaysa kinikita niya ngayon dahil pumapalo lamang sa P48,000 ang kanyang take home pay kada buwan, bawas na ang mga buwis, pero ang kanyang gross pay sa isang taon ay halos P1 milyon, kasama ang 13th month pay at bonuses.