BEIJING (Reuters)— Binalewala ng China ang mga reklamo ng Pilipinas noong Miyerkules laban sa Chinese survey vessels na nasa bahaging mayaman sa gas sa loob ng exclusive economic zone ng Manila, at naghain ng hiwalay na reklamo sa pagkaka-detine ng mga manggagawang Chinese, sa lalongpaglala ng tensiyon.

Sinabi ni Philippine President Benigno Aquino nitong weekend na dalawang Chinese survey vessels ang namataan sa bahagi ng pinag-aagawang South China Sea na inaangkin din ng Pilipinas at tinatawag na Reed Bank.

Sa isang pahayag na ipinadala sa Reuters, sinabi ng Foreign Ministry ng China na ang Reed Bank ay teritoryo ng China.

Sa isang hiwalay na insidente, naghain ang Chinese embassy sa Manila ng reklamo kaugnay ng pagkakadetine noong Martes sa mahigit 50 Chinesena hinihinalang ilegal na nagtatrabaho sa bansa.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists