Aabot na sa 20 na opisyal ng National Food Authority (NFA) ang sinibak sa puwesto dahil sa iba’t ibang anomalyang naungkat sa nasabing ahensiya.

Paliwanag ni Presidential Assistant on Food Security Secretary Francisco ‘Kiko’ Pangilinan, ito ay alinsunod na rin sa ipinatutupad niyang pagbabago upang “malinis” ang ahensiya sa mga tiwali at mapagsamantalang kawani nito.

Magmula aniya nang maupo ito sa posisyon ay marami na siyang natatanggap na mga tip mula sa text at social media tungkol sa mga iregulariad sa NFA.

Aniya, kung mapatunayan niyang totoo ay agad niya itong binibigyang pansin at pinasasagot ang mga inirereklamong mga opisyal ng nasabing ahensiya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ayon kay Pangilinan, naging epektibo ang memorandum of agreement nila ng Criminal Investigation and Detection Group at National Bureau of Investigation kung saan sila ay nag-deputize para hulihin ang mga kakutsaba ng mga mapagsamantalang rice trader sa NFA employees.

Kamakailan, sinalakay ang mga negosyante ng bigas sa Naga City at inililipat ang NFA rice sa sako ng commercial rice para maibenta ito ng mas mahal.