Nicco Manalo

SA kanyang acceptance speech sa awards night ng 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition, in-acknowledge pa ni Nicco Manalo ang kanyang manager na si Ferdinand "Ferdy" Lapuz. Tinanggap niya ang karangalan bilang Best Supporting Actor sa pagganap sa The Janitor (Director's Showcase category), topbilled by Dennis Trillo and directed by Mike Tuviera.

Sa premiere night naman Barber's Tales (Mga Kuwentong Barbero) na kinabibilangan niya last August 11, inginuso pa ni Nicco si Ferdy sa movie scribe na nagtanong kung sino ang namamahala ng kanyang showbiz career.

Days after that, nakatanggap kami ng text message from a dear friend informing us that Nicco has junked his manager dahil nagdesisyon daw itong lumipat na ng ibang management company.

Internasyonal

Joe Biden kay Kamala Harris: ‘Her story represents the best of America’s story’

Ikinagulat namin ito dahil katatapos lang naming mag-usap ng panganay na anak ng Eat Bulaga segment host na si Jose Manalo at nagkabiruan pa nga na kailangan na niyang magtaas ng talent fee dahil awardee na siya. Pabirong sabi ni Nicco, "Kailangan ba? Bahala na ang manager ko,” he was referring to Ferdy, “pagdating sa bagay na ‘yan."

Ang unang bahagi ng SMS (we're printing it as is) na natanggap namin ay nagsasaad ang, "Kawawa si ferdy lapuz. Iniwan cya ni nicco manalo as manager. After he won his award, he asked daw ferdy re his career plan since Cornerstone daw offered to manage him. Ferdy set a meeting but nicco begged off."

"Tapos, tinawagan cya repeatedly, di na cya sinasagot. Then yesterday (August 16), nicco sent him na lang an email that lipat na cya ng manager. Pero pano kaya nya nakuha all the good roles kundi thru ferdy din?" himutok ng kapalitan namin ng SMS na hindi na naming papangalanan.

Ikinuwento rin ng kausap namin na naikuha pa ni Ferdy ng dalawang guestings sa GMA si Nicco pero inayawan na ito ng aktor.

Kasalukuyang nasa Bali, Indonedia ngayon si Ferdy for a short respite pagkatapos ng CinemalayaX na tatlong pelikulang prinodyus niya ang tumanggap ng awards. Producer din siya ng Barber's Tales ni Direk Jun Lana na showing pa rin ngayon.

Sa Facebook (FB), isang veteran writer ang nag-comment sa Timeline ni Ferdy tungkol sa isyu, "Ang iniwan.... ng talent.... na nanalo lang lumaki na ulo."

Sinagot naman ito ni Ferdy ng, "Okay lang po yun. Mas importante ako yung iniiwan at hindi ako ang nang-iiwan..."

Ang tanong ng nakararami, "nalunod" na raw ba si Nicco sa isang basong tubig?

Kinukumpirma sana namin kay Nicco ang isyu sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@niccoyourface) via a DM (direct message) but as of press time, hindi pa niya sinasagot ang tanong namin.