Airforce Shakeys V League

Mga laro ngayon

(Fil Oil Flying V Arena):

2 p.m. Army vs Air Force

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

4 p.m. Cagayan vs PLDT

Makalapit sa inaasam na pagpasok sa finals ang hangad ng Army, Air Force, defending champion Cagayan Valley at baguhang PLDT Home Telpad sa kanilang paghataw ngayon sa semifinals round ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Unang magtatapat sa pambungad na laban sa ganap na alas-2:00 ng hapon ang dalawang military teams na Lady Troopers at Air Spikers habang sisimulan naman ng Lady Rising Suns at Turbo Boosters ang sarili nilang best-of-three series sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

“Magkakaibigan naman kami kasi iisa ang nirerepresent namin, ang Armed Forces , pride na lang ng mga pangalan na dala naming unit ang paglalabanan namin,” pahayag ni Air Force coach Clarence Esteban matapos makamit ng kanyang koponan ang ikaapat at huling semifinals berth sa pamamagitan ng pagwalis sa Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles sa kanilang sudden death playoff noong nakaraang Martes.

“Mas gusto namin talagang kalaban ang Air Force kasi mas mahirap makaharap ang Ateneo, kumbaga sa basketball parang Ginebra iyan, kasi kanila ang crowd. Eh kung Air Force patas lang ang laban at saka parehong alam na namin ang laro ng isa’t-isa,” ayon naman kay Army coach Rico de Guzman.

Kakaibang Cagayan Valley naman ang matutunghayan ngayon sa semifinals kumpara sa team na sumabak noong nakaraang quarterfinals.

“Mas magiging intense kami ngayon, hangga’t maaari bawal mag relax at iyong mental toughness nandoon,” paliwanag ni Lady Rising Suns team captain Angeli “Angge” Tabaquero.

“Iyong PLDT kasi ‘di pa namin sila natalo this season, tapos iyong dalawang talo namin sa kanila parehas pang straight sets, so as much as possible kailangan talaga naming pagtrabahuhang mabuti para kami makauna,” dagdag pa ng dating University of Santo Tomas (UST) standout.

Ayon pa kay Tabaquero, markado sa kanila ang dating league MVP na si Suzanne Roces na aniya’y kailangang mapaghandaang mabuti ang mga palo, kung kaya kailangang doble ang effort na ipakita nila sa reception at sa kanilang depensa.

“Kasi kung maganda ang reception namin at nandoon iyong depensa, everything will fall into places,” ayon pa kay Tabaquero.

“Alam naman natin ang PLDT hindi basta-basta nagpapatalo so sa tingin ko labanan na lang ito ng kung sino ang mas may puso,” dagdag pa nito.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni PLDT coach Roger Gorayeb na sisikapin nilang mapantayan, kung hindi man mahigitan, ang level ng laro na ipapakita ng Cagayan.

“Siyempre iyong experience mas lamang sila, kasi iyong core ng team nila matagal nang magkakasama, pero siyempre lalaban kami,” ani Gorayeb.