Narito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa pagbibitiw sa trabaho. Sana makatulong ito sa iyon kung sakaling pinag-iisipan mong mag-resign sa kung anu-anong dahilan. Kung nais mong mag-resign, kailangang tanungin mo muna ang iyong sarili. Kailangan mong sumagot nang matapat. Kapag hindi mo ito nasagot nang buong katapatan at makatotohanan, maaaring mapahamak mo ang iyong sarili kalaunan:

  • Magiging masaya ba ako sa susunod kong trabaho? – Ang ilan sa atin ay mga negosyante na nakakulong sa opisina o pabrika o ano mang trabaho. Kung isa ka nga sa kanila, tutukan mo ang iyong pagnenegosyo na hindi naaapektuhan ang iyong kasalukuyang kinasusuklamang trabaho. Kung hindi mo tiyak na magiging masaya ka sa susunod mong trabaho, maaari kang maging masaya sa kasalukuyan mong ginagawa lalo na kung nagdudulot iyon ng pagkakataon sa iyong kumita sa labas ng korporasyon. Siyempre hindi mo gagamitin ang resources ng iyong trabaho sa personal mong negosyo.
  • Ano ang ayaw ko sa aking trabaho? – Maaari kang gumawa ng listahan (gamitin ang memo pad ng iyong cellphone para walang makakita) ng lahat ng ayaw mo sa kasalukuyan mong trabaho. Ang suweldo ba? Ang iyong mga kasama? Ang ginagawa mo mismo? Ang arogante mong superior? Ang lugar ba? Ang kawalan ng flexibility? Ang paglapastangan ba ng iyong dignidad bilang propesyunal? Magagamit mo iyong bilang pamantayan sa paghahanap mo ng bagong trabaho. Ngunit mahahanap mo ba ang trabaho na lalapat sa iyong pamantayan? Malamang na hindi, pero makahahanap ka na makapagdudulot sa iyo ng kasiyahan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

At kung nahihirapan kang maghanap ng trabaho, dahil marahil sa iyong edad, estado sa buhay, at kakayahan, bakit hindi ka magnegosyo na magdudulot sa iyo ng kasiyahan sa mga bagay na iyong pinahahalagahan?

Totoo ngang hilakbot ang dulot ng pagbibitiw sa trabaho. Ang isipin lamang na maghain ng resignation letter ay nakaririmarim na. Ngunit mapahuhupa ang hilakbot kung masasagot mo ang mga tanong na nailahad ng pahinang ito ngayon at mga nakaraang araw. Mauunawaan mo ang takbo ng iyong career at mapaplano mo kung paano iyon matatamo.