Iniimbestigahan ng gobyerno ng Malta kung bakit naiwan ang isang Pinoy evacuee mula sa Libya ng eroplanong inupahan ng Department of Foreign (DFA) patungong Manila, ayon sa DFA.

Sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose na nagpadala ang kagawaran ng note verbale sa gobyerno ng Malta na nagpapahayag ng kalungkutan sa insidente.

Ayon kay Jose, hindi nakasakay ng eroplano si Rodrigo Andres, isang overseas Filipino worker (OFW), sa pangalawang eroplano na inupahan mula sa Malta noong Agosto 16.

“The Philippine government is extending its full cooperation in the investigation until its final resolution,” pahayag ni Jose.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nang tanungin kung posible na isang kaso ito ng TNT o tago-nangtago upang manatili si Andres sa Malta at maghanap ng ibang trabaho, sinabi ni Jose na hindi nila matiyak hanggang sa lumabas ang resulta ng imbestigasyon.

Samantala, pinasalamatan ng DFA ang kooperasyon at suporta ng gobyerno ng Malta na nagresulta sa maayos at ligtas na pagpapabalik sa mahigit 3,000 OFW sa Pilipinas.

“We also thank the Libyan authorities and the Libyan Red Crescent for the crucial assistance they extended for they extended amid the challenging circumstances to our repatriation effort,” ayon kay Jose. - Madel Sabater-Namit