Pangungunahan ng mga dating collegiate MVP na sina Greg Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel, Ian Sangalang ng San Mig Coffee, Raymund Almazan ng Rain or Shine at Terrence Romeo ng Globalport Batang Pier ang mga napili para bumuo sa All-Rookie Team na pararanglan sa darating na PBA Press Corps (PBAPC) Annual Awards Night sa Agosto 21 sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

Kasama nila sa nasabing seleksiyon ng mga elite rookies ang kakampi ni Sangalang at slam dunk champion na si Justion Melton.

Ang 7-foot na dating Ateneo slotman na si Slaughter, ang No. 1 overall pick sa nakaraang taong Rookie Draft, ay nagkaroon ng mahalagang papel bilang starting center ng Kings noong nakaraang season kung saan siya tinanghal na Rookie of the Year matapos magtala ng average na 15 puntos, 10.5 rebounds, at 1.40 block.

Hindi naman nagpahuli ang dating star center ng San Sebastian College na si Sangalang na malaki ang naitulong sa nagging tagumpay ng Mixers at sa pagkakamit ng aknilang koponan ng makasaysayang Grand Slam.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagamat off-the-bench ang kanyang naging role sa Mixers, pinatunayan ng 6-foot-7 forward ang kanyang kakayahan sa pamaamgitan ng kanyang nagging mahalagang ambag sa kanilang koponan sa nakalipas na tatlong conferences makaraang magtala ng average na 7.46 puntos at 4.79 rebounds kada laro.

Napunan naman ng third overall pick noong huling Draft na si Almazan ang puwang sa gitna na kulang ng Elasto Painters.

Nagposte ang 6-foot-8 na dating Letran center ng average na 5.90 puntos, 5.55 rebounds, at 1.02 shot blocks kada laban.

Nagtala naman ang 5-foot-11 na si Romeo, ang fifth overall pick, ng average na 12.43 puntos para sa Batang Pier kung saan may mga pagkakataon na nakapagpamalas siya ng magandang performance particular sa opensa habang ipinakita naman ng 5-foot-11 na si Melton na puwede siyang maging spark plug kahit

pa ipasok mula sa bench para sa San Mig Super Coffee lalo na sa nakalipas na tatlong conference Finals.

Ang All-Rookie team ay ilan lamang sa mga award na igagawad sa darating na PBAPC awards.

Ang iba pang mga parangal na nakatakdang ipamahagi sa naturang okasyon na suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee, San Miguel Beer at Talk ‘N Text ay ang Coach of the Year, Executive of the Year, Mr. Quality Minutes, Comeback Player of the Year at ang Accel-Order of Merit na ibinibiogay para sa manlalarong nabigyan ng mga pinakamaraming citation bilang Player of the Week.

Lahat ng mga opisyales at miyembro ng Press Corps ay inaanyayahan ni PBAPC president Barry Pascua na dumalo at magtungo sa venue sa Richmonde Hotel Ballroom ganap na ika-6 ng gabi.

Ang Coach of the Year trophy na napanalunan noong nakaraang taon ni dating Alaska coach Luigi Trillo ay nakapangalan sa legendary coach na si Virgilio Babay Dalupan habang ipinangalan naman ang Executive od the Year trophy kay dating Crispa Redmanizers owner Danny Floro.