Ipinagdiriwang ngayon ng Indonesia ang kanilang Pambansang Araw na gumugunita sa kanilang kasarinlan mula sa The Netherlands noong 1945.

Ang Pambansang Araw, na kilala rin sa tawag na Hari Merdeka, ay karaniwang idinaraos sa mga palaro, musika, at food parties. Ang pagtataas ng bandila sa presidential place ang pinakamatimtimang seremonya sa pista opisyal na ito. Mayroon ding magarbong parada sa Linggo matapos ang Independence Day.

Tinatamasa ng Pilipinas ang magiliw na pakikipag-ugnayan sa Indonesia. Madalas ang pagbisita ng matataas na opisyal ng kapwa bansa sa isa’t isa at mga founding member ang dalawang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mula nang maitatag ang diplomatikong relasyon ng dalawang bansa noong 1949, isang mahalagang kaalyado ng Pilipinas ang Indonesia sa mga pagsisikap nito upang matamo ang pambansang kaunlaran at seguridad sa rehiyon.

Noong Mayo 23, 2014, lumagda ang Pilipinas at Indonesia sa isang kasunduan na nagtatakda ng mga hangganan sa pagitan ng nagkakasapawang exclusive economic zones ng dalawang bansa. Sa kasunduan, iigting ang kalakalan at seguridad sa karagatan ng parehong bansa sa layuning panatilihin at protektahan ag kapwa nilang mayamang marine environment.

National

Ilang nababahala sa CSE, pakikinggan ng DepEd

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Indonesia sa pangunguna ni Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono, sa okasyon ng kanilang ika-69 anibersaryo ng kalayaan.