Nagpapatupad ng sariling gag order ang National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa kalagayan ni retired Major Gen. Jovito Palparan.

Layunin nitong iwasan ang paglalabas ng anumang impormasyon na posibleng maghatid ng panganib sa buhay ng naarestong heneral na akusado sa kidnapping at serious illegal detention case sa dalawang babaeng estudyante ng University of the Philippines.

Ipinatupad ng NBI ang gag order makaraang matukoy na lehitimo at malaki ang banta sa buhay ni Palparan, kabilang na ang mula sa panig ng New People’s Army (NPA).

Una nang hiniling ng kampo ng retiradong sundalo sa Malolos Regional Trial Court na payagan siyang manatili sa kostudiya ng NBI sa halip na dalhin sa Bulacan Provincial Jail.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente