Binubuo ng gobyerno ang isang tourism plan sa ilang pinag-aagawang lugar sa West Philippine Sea, ayon sa isang opisyal ng militar.

Ayon kay Gen. Gregorio Pio Catapang, chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pinaplano ang cruising sa anim na isla na pawang inaangkin ng China.

“Hopefully, we will be able to put up a cruise, a cruise going around the six islands,” ani Catapang.

Kabilang sa nasabing mga isla ang Patag, Lawak at Pag-asa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Hopefully we’ll be able to have a cruise because that’s what other countries do. They have a toursim effort to go around the islands they possess,” anang AFP chief.

Gayunman, ang nasabing cruising plan, ay magdudulot ng matinding banta mula sa China, na ilang beses nang tinakot ang mga mangingisdang Pinoy na nakakasabayan ng mga barko ng Coast Guard nito sa West Philippine Sea.

Kamakailan lang, tinakot umano ng isang barko ng Chinese Coast Guard ang isang lokal na opisyal ng Pagasa Island, na ginawa nang munisipalidad sa ilalim ng Palawan.

Nananatili namang positibo si Catapang na hindi mangyayari ito, sinabing inaasahan din namang gagawin din ito ng China kapag natapos na ang reclamation activities nito sa ilang bahura at isla sa West Philippine Sea.

“Maybe the Chinese will also do that, if they are able to reclaim the islands and also make it as a tourist destination. So this will be a win-win solution for all if that will happen,” ani Catapang.

Sinabi pa ni Catapang na ipatutupad ang plano sa pamamagitan ng Public-Private Partnership. - Aaron Recuenco