Pormal nang sinampahan ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kontrobersiyal na negosyanteng si Davidson Bangayan, alyas David Tan, sa Department of Justice (DOJ).

Kasong paglabag sa Article 186 ng Revised Penal Code at Government Procurement Reform Act ang inihain laban kina Bangayan, Judilyne Lim, Elizabeth Faustino, Eleanor Rodriguez at Leah Echeveria.

Nahaharap din si Bangayan sa isa pang reklamo ng paglabag sa Commonwealth Act No. 142 dahil sa paggamit ng fictitious name o pagtatago ng tunay na pangalan.

Sa imbestigasyon ng NBI, lumitaw na ginamit ng grupo ni Bangayan bilang dummy ang ilang organisasyon at kooperatiba ng magsasaka para makakuha ng alokasyon sa pag-aangkat ng NFA rice.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nagsabwatan umano sila para mamanipula ang bidding process sa paggagawad ng rice import allocation mula sa NFA, dahilan para sila ang makakuha ng supply ng imported rice sa lokal na pamilihan at makontrol ang presyuhan ng bigas sa merkado.