Nag-iwan ng dalawang patay habang mahigit 4,300 pamilya o 15,700 katao pa ang apektado ng hanging habagat na pinatindi ng bagyong “Jose” (international name: Halong),
Kinilala ang mga namatay na sina Ronald Perez, 14, at Rodnel Javillonar, 15, na kapwa nalunod sa Bautista, Pangasinan.
Ang dalawa ay unang iniulat na nawawala matapos tumalon sa isang tulay para lumangoy. Nakita ang kanilang mga bangkay noong Huwebes ng umaga.
Batay sa huling tala na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 1,629 pamilya o 6,495 ang apaektado sa Pangasinan, 106 pamilya o 358 katao sa Ilocos Norte, at 2,620 pamilya pamilya o 8,916 katao sa Bataan.
Humupa na ang ang baha nitong Biyernes sa Central Luzon habang lubog pa rin ang walong barangay sa Calasiao, Pangasinan.
Sinabi rin ng NDRRMC na walong kalsada sa Pangasinan, Mt. Province, Kalinga, at Benguet ang hjindi pa rin madadaanan dahil sa mga baha at landslide/rockslide.